Friday, August 13, 2010

Pseudo Science


 NUMEROLOGY


What's your Lucky Number?


 
Isang klase ng pseudoscience ang numerology. Ito ang pag-aaral ng mga numero, numero na mayroong mahalagang kaugnayan sa buhay ng tao. Sa paraan ng mathematical computations, ginagawang numero ang pangalan, kaarawan at iba pang may kaugnayan sa buhay ng tao. Binabatid ng mga numerong ito kung swerte o malas ang isang tao sa isang partikular na araw.


Madalas nating makita sa mga dyaryo, magasin, at internet ang mga horoscope, aminin man natin o hindi, kadalasan dahil lang sa mga horoscope ay bumbili tayo ng dyaryo. Dun sa horoscope makikita natin ang "Zodiac Sign", mga maswerteng kulay at syempre hindi mawawala ang maswerteng numero. Minsan dun natin ibinabase ang ating pamumuhay sa kung ano ang ating nakita at nabasa. Halimbawa kung maganda ang ating nabasa gaganda rin daw ang araw mo at kung panget naman, panget na din ang araw mo.

Lotto, Ending sa Basketball, Jueteng ay may direktang kaugnayan dito. Bakit?? Dahil hindi ba, tinatayaan natin kung ano ang ating maswerteng numero. Halimbawa sa lotto, megalotto man o superlotto, karaniwan nating tinatayaan ang numero ng birthday natin, birthday ng kamag-anak, monthsary o anniversary ng magsyota, edad at marami pang iba. Kadalasan pa nga nating maririnig sa mga mananaya ang mga katagang ito, "tinayaan ko ang numerong yun kasi SWERTE yun sa akin at nafefeel ko na tatama ako sa number na yon". Oha! sana lang walang tamaan sa blog na ito. Meron pa kong isang katotohanang ibubunyad sa inyo na may kaugnayan dito. Madalas nyo bang mapansin ang mga number sa mga text message, halimbawa, "sweetipie27, honeybunch04". Madalas iyan ang monthsary anniversary ng magsyota, nilalagay nila yan sa text para maipaglantaran ang kanilang pagpapahalaga sa monthsary nila. Minsan din nagiging swerte raw ang mga numerong ito sa kanila. Isa pa ang mga number sa likod ng mga player, halimbawa sa basketball. Bakit kaya nila napili yung mga number na yon? Minsan meron di bang significance ang mga number na yon sa kanila at syempre SWERTE daw sa kanila yon.


Bakit nga ba natin madalas maiugnay ang mga ito sa swerte o malas? Madalas nating ibase ang ating buhay sa mga pag-aaral na ito at isa na dyan ang numerology. May swerte nga ba o malas? Sa mga naniniwala tiyak mayroon, may basehan nga ba ito? Sa mga mambabasa ng horoscope dun nila isinaalang-alang kung ano ang gagawin nila sa buong araw. Dun nila binabase ang takbo ng kanilang araw. Magbibigay po ako ng isang maikling kwento na magpapakita ng kahalagahan? o kaugnayan ng mga horoscope sa simula ng kanyang araw:
"Si Bogart at Si Lando"

Si Bogart at si Lando ay kadalasang bumibili ng dyaryo tuwing umaga, parehas silang mahilig magbasa ng horoscope. Ang pagkakaiba lang, itong si Bogart madalas niyang mabasa ay puro panget, sabi pa nga niya."lagi na lang akong malas" sasabayan pa niya ng init ng ulo, pagdadabog at buong araw siyang wala sa mood, pati tuloy trabaho niya hindi niya magampanan ng maaus, kaya ang naakpektuhan ay ang kanyang pamilya.
Samantala ito namang si Lando, madalas maganda ang kanyang nababasa. Nagsisimula ang kanyang araw niya ng maganda dahil dito maaus niyang nagagawa ang trabaho niya, at dahil dito mas nagkakaroon din siya ng oras sa kaniyang pamilya. Buong araw siyang masaya. Kaya si Lando mas umuunlad kaysa kay Bogart.
Pinapakita ditoang dalawang magkaibang tao na binabatay ang kanilang araw sa mga horoscope at lucky number. Makikita natin na minsan ito ang nagiging mood sa isang araw, dahil sa mga horoscope. Minsan tuloy naapektuhan ang pamumuhay ng isang tao dahil dito. Kung ano ang nabasa nila sinusunod nila kaya buong araw ganun sila.Minsan pag nanalo naman tayo sa mga lotto, jueteng at kung ano ano pa, hindi ba madalas sasabihin sa atin ng mga kaibigan natin na maswerte tayo. Hindi kaya coincidence lang mga to?Mayroon nga kayang swerte o malas o tayo ang gumagawa ng ikinasweswerte at ikinamamalas natin? Mayroon kayang Lucky number? Kaya ikaw may Lucky Number ka ba?





PHRENOLOGY
Ang Bonggang Bungo
Bawat tao ay may kanya-kanyang kakayahan, ugali at asal. Maraming paraan para mahulaan o malaman ang hinaharap at maging ugali ng isang tao. Isang halimbawa nito ay ang "Phrenology".


Ang Phrenology ay isang pag-aaral tungkol sa laki at hugis ng bungo ng tao, kung saan nalalaman ang ugali at kakayahan ng bawat isa depende sa hugi at laki ng kanilang bungo. Isang halimbawa nito ay pag malaki daw ang noo ng isang tao ay matalino daw ito.


Ito ay tumutukoy din tungkol sa pagbabago o pag-unlad ng isang tao magmula sa kanyang pagsilang. Ayon sa teorya ni Thomas E. Chess, 1977, may tatlong uri ng pag-unlad ng isang sanggol mula sa kanyang kapanganakan. Una, "Easy Children", sinasabi dito na 40% ng mga bagong panganak na sanggol ay madaling matuto sa mga araw-araw na gawain sa buhay at karamihan ay masiyahin at madaling makasunod at makasabay sa mga bago nilang karanasan. Pangalawa, "Difficult Children" sinasabing 10% naman ang nabibilang dito karaniwang di nila madaling natututunan ang araw-araw nilang ginagawa sa buhay nila, at mabagal silang tumatanggap sa mga pangyayare at karanasan na hinaharap nila. Madalas din mainit ang ulo ng mga sanggol na ito, halimbawa nalang ay pagiging iyakin nito higit sa ibang sanggol. At ang pangatlo, "Slow-to-warm up Children". Binubuo ito ng 15%. Karaniwan itong hini aktibo sa anumang gawain na ginagawa ng maraming sanggol at madalas na puro negatibong reaksyon ang pinakikita nito sa tuwing may nakakaharap silang mga bagay sitwasyon at karanasan. Ang natitirang 35% naman ay hindi pa napapaliwanag kung saan nabibilang.

Kaya ngayon alam na natin ang iba't-ibang uri ng pag-unlad ng tao mula sa kanyang kapanganakan.