NUMEROLOGY
What's your Lucky Number?
Isang klase ng pseudoscience ang numerology. Ito ang pag-aaral ng mga numero, numero na mayroong mahalagang kaugnayan sa buhay ng tao. Sa paraan ng mathematical computations, ginagawang numero ang pangalan, kaarawan at iba pang may kaugnayan sa buhay ng tao. Binabatid ng mga numerong ito kung swerte o malas ang isang tao sa isang partikular na araw.
What's your Lucky Number?
Isang klase ng pseudoscience ang numerology. Ito ang pag-aaral ng mga numero, numero na mayroong mahalagang kaugnayan sa buhay ng tao. Sa paraan ng mathematical computations, ginagawang numero ang pangalan, kaarawan at iba pang may kaugnayan sa buhay ng tao. Binabatid ng mga numerong ito kung swerte o malas ang isang tao sa isang partikular na araw.
Madalas nating makita sa mga dyaryo, magasin, at internet ang mga horoscope, aminin man natin o hindi, kadalasan dahil lang sa mga horoscope ay bumbili tayo ng dyaryo. Dun sa horoscope makikita natin ang "Zodiac Sign", mga maswerteng kulay at syempre hindi mawawala ang maswerteng numero. Minsan dun natin ibinabase ang ating pamumuhay sa kung ano ang ating nakita at nabasa. Halimbawa kung maganda ang ating nabasa gaganda rin daw ang araw mo at kung panget naman, panget na din ang araw mo.
Lotto, Ending sa Basketball, Jueteng ay may direktang kaugnayan dito. Bakit?? Dahil hindi ba, tinatayaan natin kung ano ang ating maswerteng numero. Halimbawa sa lotto, megalotto man o superlotto, karaniwan nating tinatayaan ang numero ng birthday natin, birthday ng kamag-anak, monthsary o anniversary ng magsyota, edad at marami pang iba. Kadalasan pa nga nating maririnig sa mga mananaya ang mga katagang ito, "tinayaan ko ang numerong yun kasi SWERTE yun sa akin at nafefeel ko na tatama ako sa number na yon". Oha! sana lang walang tamaan sa blog na ito. Meron pa kong isang katotohanang ibubunyad sa inyo na may kaugnayan dito. Madalas nyo bang mapansin ang mga number sa mga text message, halimbawa, "sweetipie27, honeybunch04". Madalas iyan ang monthsary anniversary ng magsyota, nilalagay nila yan sa text para maipaglantaran ang kanilang pagpapahalaga sa monthsary nila. Minsan din nagiging swerte raw ang mga numerong ito sa kanila. Isa pa ang mga number sa likod ng mga player, halimbawa sa basketball. Bakit kaya nila napili yung mga number na yon? Minsan meron di bang significance ang mga number na yon sa kanila at syempre SWERTE daw sa kanila yon.
Bakit nga ba natin madalas maiugnay ang mga ito sa swerte o malas? Madalas nating ibase ang ating buhay sa mga pag-aaral na ito at isa na dyan ang numerology. May swerte nga ba o malas? Sa mga naniniwala tiyak mayroon, may basehan nga ba ito? Sa mga mambabasa ng horoscope dun nila isinaalang-alang kung ano ang gagawin nila sa buong araw. Dun nila binabase ang takbo ng kanilang araw. Magbibigay po ako ng isang maikling kwento na magpapakita ng kahalagahan? o kaugnayan ng mga horoscope sa simula ng kanyang araw:
Pinapakita ditoang dalawang magkaibang tao na binabatay ang kanilang araw sa mga horoscope at lucky number. Makikita natin na minsan ito ang nagiging mood sa isang araw, dahil sa mga horoscope. Minsan tuloy naapektuhan ang pamumuhay ng isang tao dahil dito. Kung ano ang nabasa nila sinusunod nila kaya buong araw ganun sila.Minsan pag nanalo naman tayo sa mga lotto, jueteng at kung ano ano pa, hindi ba madalas sasabihin sa atin ng mga kaibigan natin na maswerte tayo. Hindi kaya coincidence lang mga to?Mayroon nga kayang swerte o malas o tayo ang gumagawa ng ikinasweswerte at ikinamamalas natin? Mayroon kayang Lucky number? Kaya ikaw may Lucky Number ka ba?"Si Bogart at Si Lando"
Si Bogart at si Lando ay kadalasang bumibili ng dyaryo tuwing umaga, parehas silang mahilig magbasa ng horoscope. Ang pagkakaiba lang, itong si Bogart madalas niyang mabasa ay puro panget, sabi pa nga niya."lagi na lang akong malas" sasabayan pa niya ng init ng ulo, pagdadabog at buong araw siyang wala sa mood, pati tuloy trabaho niya hindi niya magampanan ng maaus, kaya ang naakpektuhan ay ang kanyang pamilya.Samantala ito namang si Lando, madalas maganda ang kanyang nababasa. Nagsisimula ang kanyang araw niya ng maganda dahil dito maaus niyang nagagawa ang trabaho niya, at dahil dito mas nagkakaroon din siya ng oras sa kaniyang pamilya. Buong araw siyang masaya. Kaya si Lando mas umuunlad kaysa kay Bogart.
PHRENOLOGY
Ang Bonggang Bungo
Bawat tao ay may kanya-kanyang kakayahan, ugali at asal. Maraming paraan para mahulaan o malaman ang hinaharap at maging ugali ng isang tao. Isang halimbawa nito ay ang "Phrenology".
Ang Phrenology ay isang pag-aaral tungkol sa laki at hugis ng bungo ng tao, kung saan nalalaman ang ugali at kakayahan ng bawat isa depende sa hugi at laki ng kanilang bungo. Isang halimbawa nito ay pag malaki daw ang noo ng isang tao ay matalino daw ito.
Ang Phrenology ay isang pag-aaral tungkol sa laki at hugis ng bungo ng tao, kung saan nalalaman ang ugali at kakayahan ng bawat isa depende sa hugi at laki ng kanilang bungo. Isang halimbawa nito ay pag malaki daw ang noo ng isang tao ay matalino daw ito.
Ito ay tumutukoy din tungkol sa pagbabago o pag-unlad ng isang tao magmula sa kanyang pagsilang. Ayon sa teorya ni Thomas E. Chess, 1977, may tatlong uri ng pag-unlad ng isang sanggol mula sa kanyang kapanganakan. Una, "Easy Children", sinasabi dito na 40% ng mga bagong panganak na sanggol ay madaling matuto sa mga araw-araw na gawain sa buhay at karamihan ay masiyahin at madaling makasunod at makasabay sa mga bago nilang karanasan. Pangalawa, "Difficult Children" sinasabing 10% naman ang nabibilang dito karaniwang di nila madaling natututunan ang araw-araw nilang ginagawa sa buhay nila, at mabagal silang tumatanggap sa mga pangyayare at karanasan na hinaharap nila. Madalas din mainit ang ulo ng mga sanggol na ito, halimbawa nalang ay pagiging iyakin nito higit sa ibang sanggol. At ang pangatlo, "Slow-to-warm up Children". Binubuo ito ng 15%. Karaniwan itong hini aktibo sa anumang gawain na ginagawa ng maraming sanggol at madalas na puro negatibong reaksyon ang pinakikita nito sa tuwing may nakakaharap silang mga bagay sitwasyon at karanasan. Ang natitirang 35% naman ay hindi pa napapaliwanag kung saan nabibilang.
Kaya ngayon alam na natin ang iba't-ibang uri ng pag-unlad ng tao mula sa kanyang kapanganakan.
ASTROLOGY
Vababoom na Planeta at Bituin
Bakit kaya hanggang ngayon ay may naniniwala pa rin sa Astrology? Ano nga ba ito? Dapat ba itong paniwalaan?
Ang Astrology ay isang aplikasyon ng astronomiya sa buhay ng tao tulad ng horoscopes o prediksyon base sa bituin o ng planeta na tugma ng kapangananakan ng tao.Ito rin ay tumutukoy sa pag interpret ng impluwensya ng mga Heavenly Bodies sa kapalaran at pag uugali ng mga tao.
Ito ang kadalasang dahilan kung bakit ang iba ay bumibili ng dyaryo maliban sa pagbabasa ng mga chika sa entertainment section. Ang dahilan ay para lang malaman kung anung happenings ang mangyayari sa kanila sa araw na iyon. May iba-ibang expression din ang makikita sa kanilang mga mukha merong masaya, may naka ngisi, at may malungkot. Yun ay depende kung anu ba ang nangyayari sa ikot ng kanilang nasabing planeta. Hay naku!! yan ang naidudulot ng Astrology sa buhay ng tao.
Halimbawa na lang nito ay mga sitwasyon tulad nito: ang nagngangalang beauty dahil sa paniniwala nya sa horoscope ay nagbabago ang desisyon o maaring takbo ng kanyang buhay. Kagaya na lamang nagpagbabase nya ng kanyang mga gagawin sa Astrology sa halip na sasagutin nya na si Baldo eh napurnada pa dahil lang sa nabasa nya na hindi sila compatible ni Baldo dahil sa zodiac sign nito o sa taon na sya ang pinanganak hindi ba't malaking kalokohan yun. Isa pa halimbawa si Baldo na nabasted naman eh nais gumawa ng paraan para kalimutan si Beauty eh nais magtayo ng negosyo para maglibang dahil sa Astrology na kanyang pinaniniwalaan eh napurnada ang kanyang plano, nung nagtanong sya sa Fengsui master kung maganda bang lokasyon iyon para sa negosyo at sinabi nitong hindi, kaya hindi natuloy ang pagnenegosyo nya.
Isang dahilan kung bakit patuloy pa rin naniniwala ang ibang tao sa astrology ay dahil sila sa kakulangan ng kaalaman tungkol dito at dahil dun, tinatangkilik pa rin nila ito hanggang ngayon, kahit ito'y napatunayan na, na walang katotohanan.Hay naku!! swerteng kulay, numero at araw dapat iwaksi kasi tao po ang gumagawa ng kapalaran nya kahit gaano pa kaganda ang hula, nabasa sa horoscope, o dapat sundin sa Fengsui kung wala kang gagawin para sa sarili mo wala ring mangyayari sayo basta dapat sa lahat don't forget God dahil sya ang ating gabay sa lahat ng bagay.
GRAPHOLOGY
Ang Iyong Sulat Equals Ugali
Ang Graphology ay ang pag-aaral ng sulat ng isang tao. At ang sulat na ito ay maari din nating tawagin na "brain writing. Sabi dito naanalisa dito ang buong pagkatao ng isang tao, lahat ng paraan ng pagsulat, ang uri ng pagsulat ay may katapat na kahulugan at paliwanag.
Mayroon tatlong sistema ang Graphology. Una ang Holistic Graphology inaaral dito kung ano ang isang tao batay sa uri, pagkilos at mga laktaw sa kanyang sulat. Pangalawa ang Integrative Graphology inaaral naman dito ang mga strokes ng letra upang makita ang kanyang pag-uugali. At ang huli ay ang Symbolic Analysis dito naman pinag-aaralan ang mga simbolo at inaalisa ang mga ito. Ang mga sistemang ito ay may sari-sariling vocabularyo upang mapaliwanag ang mga salita ang pagsulat.
Minsan ang Graphology ay ginagamit sa paghahanap ng trabaho tinitingnan ng kompanya ang kanyang mga records ukol sa kanyang pagsulat upang malaman kung akma ba siya sa trabaho na yon. Sa Switzerland 80% ng mga malalaking korporasyon ay gumagamit ng Graphology sa pagtanggap ng isang aplikante. Nagiging isang factor ito kung tatangapin ba ang aplikante o hindi o kung nauukol ba ang kanyang graphology records sa kanayang trabaho.
Unang nagkaroon ng graphology nung matagal pang panahon, ngunit nagkaroon lang ito ng libro noong 1622, ng ilathala ito ni Camillio Bildi, isang italianong doktor ng pilisopia at medisina. Noong 1872 naman gumawa si Jean Michon ng isang libro tungkol dito at naging basehan ng pag-aaral nito. Ang pagsagawa ng graphology ay may mga paraang pagdadaanan. Kailangan mo ng maraming uri ng sulat ng taong iyon at mahabang pag-aanalisa upang makakuha ka ng ideya kung ano ang ugali at personalidad ng taong iyon.
Naging makabuluhan din ito sa ibat-ibang larangan. Naging mahalaga sa mga trabaho, ngunit may basehan nga ba ito? Bakit ang mga doktor panget ang sulat. Ibig sabihin panget din ugali nila? Nasa tao na din kung susundin nila ito sabi nga hindi naman masama. Hindi ito ang basehan na kung maganda ang sulat mo ay maganda rin ang ugali mo.
PALMISTRY
Put your Hands Up !
Ang bawat tao ay may kanya-kanyang hugis at linya sa kamay.
Ang paraan ng pagbasa sa palad ay tinatawag na PALMISTRY.
Ang palmistry ay ang pagbasa sa ugali at hinaharap ng isang indibidwal batay sa hugis at linya sa kanyang kamay. ndi ito panghuhula, ito ay isa lamang paraan upang malaman kung saan ang iyong patutunguhan sa mga susunod pang panahon.
KALIWA O KANAN ?
Ang ginagamit na kamay ng isang tao ay tinatawag na outerhand. Ito ay mas maraming linya kumpara sa hindi gaanong ginagamit na kamay. Nagsasabi ito kung paano mag-isip ang isang tao, at saang parte ng utak ito nakaugnay.
Ang mga taong gumagamit ng KALIWA ay malikhain na nakakonekta sa kanang bahagi ng utak na syang nagdudulot ng intwisidad.
Ang mga tao namang gumagamit ng KANAN ay analitikal ang takbo ng pag-iisip. Sila ay lohikal, dahil ito ay nakakonekta sa kaliwang bahagi ng utak.
MATIGAS O MALAMBOT ?
Ang mga taong may MATIGAS na kamay ay mga determinado sa buhay, dahil gusto nila na sila ay umasenso sa kanilang sariling pagsisikap.
Ang mga tao namang may MALAMBOT na kamay ay ang mga taong mas ginagamit ang kanilang mental na kapasidad. Sila ang mga taong " easy going " o gusto ng madadaling gawain.
MAHABA O MAIKLI ?
Ang bawat daliri ng tao ay may kanya-kanyang haba at ikli. Ang mga aspeto ay dipende sa pagkakatapat ng mga daliri.
Ang mga daliri ay may kanya-kanya ring kahulugan.
Hintuturo: Malakas ang tiwala, Ambisyoso
Hinlalatok: Disiplinado, Balanse sa buhay
Palasingsingan: Emosyonal, pagkamalikhain
Hinliliit: Pakikisalamuha
Ang kombinasyong ito ay nagpapakita ng balanseng " EGO " at balanseng emosyon. Nagiging balanse ang " EGO " kapag ang hintuturo ay tumapat sa dulo ng kuko ng hinlalatok. Nagiging Balanse naman ang emosyon kung tumapat din ang palasingsingan sa dulo ng kuko ng hinlalatok.
Ang kombinasyong ito ay nagpapakita ng malakas na tiwala sa sarili at matinding emosyon. Lumalakas ang tiwala sa sarili kung ang hintuturo ay lumampas sa kuko ng hinlalatok. At kapag lumampas ang palasingsingan sa kuko ng hinlalatok ito ay nangagahulugan ng matinding emosyon.
Ang kombinasyong ito ay nagpapakita ng kakulangan ng tiwala sa sarili at kakulangan sa emosyonal na aspeto. Nagiging kulang ang tiwala sa sarili kapag ang hintuturo ay hindi umabot sa kuko ng hinlalatok. At nagkukulang naman ang emosyonal na aspeto kapag hindi rin umabot ang palasingsingan sa dulo ng kuko ng hinlalatok.
Ang kombinasyong ito ay nagpapakita ng siryosong pananaw sa buhay at pagiging makipagkapwa tao. Nagiging siryoso ang pananaw ng isang tao kapag ang dalawang daliri ay nagtapat subalit nanatiling nakatindig sa gitna ang hinlalatok. At nagiging makipagkapwa tao naman kapag ang hinliliit ay kusang lumalayo sa palasingsingan.
GULONG NG PALAD !
Ang guhit sa taas ng unang larawan ay tinatawag na " mars line " na syang nagpoprotekta sa kalusugan.
Ang guhit na pababa naman ay nagpapakita ng pagiging " family centered " ng isang tao.
Ang guhit sa bandang kaliwa ng ikalawang larawan ay nagpapakita ng nakamit sa buhay, mga ambisyon, at mga pangarap. ang linya naman sa kaliwa na putol ay nagpapakita ng positibong pag-iisip, habang ang nasa itaas na linya ay nagpapakita ng negatibong pangyayari sa hinaharap. Ang linya naman na nasa ibaba ay nagpapakita ng pagkahumaling ng isang tao sa paglalakbay.
Ang unang larawan ay nagpapakita ng pagiging lohikal ng isang tao, pagdating sa aspetong emosyonal.
Ang ikalawang larawan naman ay nagpapakita ng balanseng ugali sa pagiging praktikal at malikhain, ang mga taong ito ay kadalasang " down to earth ".
Ang ikatlong larawan ay nagpapakita ng malawak na emahinasyon at pagiging malikhain, ngunit kadalasan sa mga taong ito ay MAYABANG !!
Ang ika apat na larawan ay nagpapakita ng pagiging " focus " sa isang bagay na kanyang ginagawa.
Ang huling larawan ay nagpapahiwatig ng kagalingan sa pagsulat ng salaysay.
Ang unang larawan ay nagpapakita ng pagiging emosyonal at " passionate ".
Ang ikalawang larawan naman ay nagpapakita ng pagiging makasariling ugali.
Ang ikatlong larawan naman ay nagpapakita ng talas ng mentalidad ng isang tao pagdating sa pagdadala ng relasyon.
Ang ika apat na larawan ay nagpapakita ng pagiging kalmado ng emosyon at pisikal na aspeto sa pagdadala ng relasyon.
Ang huling larawan ay nagpapakita ng pagiging balanse ng emosyon.
Ang unang larawan ay nagpapakita ng pagbugso ng damdamin.
Ang ikalawang larawan ay nagpapakita nanaman ng pagiging intelektwal.
Ang ikatlo ay nagpapakita ng pagiging " close minded ",
at panghuli ito ay nagpapakita ng pagiging " open minded " ( ito ay dumidipende sa pagitan ng dalawang linya sa palad ). Kung ang puwang ay malaki nangangahulugan lamang ito ng pagiging " open minded " ng isang tao. at kabaliktaran naman pag maliit .
No comments:
Post a Comment